Share ko lang po yung experience namin sa Libis.. Kakatuwa.. hehe....
Nag-iisip kami ng mga barkada ko noon ng pwedeng kainan at the same time yung malapit sa eastwood kasi hihintayin pa namin yung friend namin na syang susupresahin namin for her birthday.
Papunta na kami ng eastwood nun ng madaanan namin yung "dampa sa libis"... Pagpasok namin nagulat kami may "tiangge".. hehe.. Sabi nung isa samin: Sakto! wala pa ako regalo... hehe.. makatingin nga dito.. Tapos, pagpasok namin nakita namin ang nakapalibot na palutuan ng pagkain at ang daming tables and chairs.. Wow! di tayo mauubusan ng lamesa nito..
Tapos, nagtanong na kami dun sa isang nakauniform na may dalang pitser kung san pwede umorder or kung pwede ba makita yung menu nila.. Isinama kami sa may bandang likod at may "wet market" pala dun.. Buy ka pala muna ng papaluto mo tapos ikaw din ang magsasabi kung anong klaseng luto ang gusto mo.. O diba?? ang galing naman.. hehe... Eksakto pa kasi favorite nung barkada namin na may bday yung seafoods!!! E ang dami kaya dun... Bili kami ng shrimp at pusit.. Solve solve na!!!... :)
Di na kami nagpunta ng eastwood.. Yung bday celebrant na lang ang pinapunta namin sa dampa.. Gulat sya pagdating nya yung favorite nya na yung nakahanda dun sa table namin... Tuwang-tuwa ang loka! kala naman niya d sya ang magbabayad! Hoy!! ikaw ang magbabayad ng mga yan kaya wag ka masyado matuwa.. ahahaha... Ayun.. busog kami at masaya kasi di kami ang nagbayad.. Hehehe..
Sarap dun.. Dun nga namin ulit binabalak na iset-up yung susunod na magbi-birthday e.. Kaya kung sino ka man, ihanda mo na ang pambayad mo at marami-raming sugpo at pusit na umaatikabo na naman ang ipapaluto namin!!!! hehehe...
:p